Who would it be? Your past or your present?
Minsan kung titignan natin, parang ang dali lang pumili. Na ang dali lang maging responsible sa isang relasyon. Kapag tinitignan natin ang isang babae na nagmamahal sa nakaraan ngunit pinipili ang kasalukuyan, we came to judge how sl/t she was. Akala natin madali lang ang pumili. Ang mag-decide, not until we are finally there. Ang hirap pala ng akala mo ay talagang napag-isipan mo na ang lahat. Akala mo ay tama na ang landas na tinatahak mo, hanggang sa may bigla nalang ulit nagparamdam.
What if biglang sinabi ng parents mo na ipapakasal ka sa taong pinakamamahal mo? Anong magiging say mo? Go ka pa rin ba kahit alam mong simula nung una, kailanman ay hindi siya naging sayo?