
Akala ko noon, masaya at masarap siyang mahalin kahit na patago. Akala ko noon, sapat na sa'kin ang simpleng pagtitig sa kaniya at ang mga sandaling oras na nakakausap ko siya. Akala ko rin, sapat na ang pangarapin lang siya. Pero nagkamali ako. Lalo na't para sa aking palagay, binigyan niya rin ako ng matatawag kong pag-asa. Pag-asa sa kaniya. Pag-asa sa maliit kong pangarap. Pag-asa sa imposible kong pangarap. Pag-asa para sa magkaiba naming mundo. Ginawa ko ang lahat pero hindi naging sapat iyon. Minahal ko siya sa paraang mababaw at nagtapos iyon sa malalim na paraan. Nasaktan ako. Sobra. At kahit ang durog kong puso, nagawa pa rin siyang mahalin. Siguro dahil kahit anong mangyari, siya lamang.Wszelkie Prawa Zastrzeżone
1 część