Cassia ilaria Auchendel. Ang Prinsesa sa kaharian ng Achelois, laki sa layaw at nakukuha lahat ng gusto. Ngunit isang bagay lang ang hindi niya makuha. Ang puso ng duke na mula pa noon ay may lihim na siyang pagtingin dito. Sa tagal nang paghuhumaling niya sa duke na pag-alaman nalang niya na may kasintahan na ito at isa lamang iyon na katulong mula sa mansion ng duke. Hindi matanggap ni cassia na mas pinili ng duke ang iniibig nitong katulong. labis siyang nasaktan sa balita kaya nagplano siya pikutin ang duke para tuwiran na ito matali sakaniya. Akala ni Cassia siya na ang pinaka maswerte na babae sa buong mundo ng maikasal siya duke ngunit ito ang naging simula ng pahihirap niya sa kamay ng asawa na kahit kailan ay hindi pa niya naranasan noon. Paano kaya niya mapa-ibig ang matigas na puso ng duke? gayong hindi pa ito nakalimot sa dating kasintahan? -DUKE X PRINCESS [ON-GOING]