BLURB: Hate na hate ni Genuine Amethyst ang kinakapatid at kababatang si Red Arthur. Mula kasi pagkabata ay puro na lang pang-aasar ang pinapakita nito sa kanya. Napakasungit din nito minsan at napakasuplado pa. Hanggang sa lumipas ang panahon na nasa wastong gulang na sila at nakauwi na si Red Arthur sa Pilipinas habang nagkanobyo naman na si Genuine Amethyst ay kinamumuhian parin niya ito mula ulo hanggang paa. At nasisiguro niyang ganun din ito sa kanya kasi raw Napaka- perfectionist niya, at wala siyang pakialam ron. Umabot na nga sa punto na isinusumpa na niya ang binata eh. Ngunit isang araw.. "WHAT???!! IKAKASAL KAMI??!!" Hala? Ikakasal sila? Paano na yan? Ano kaya ang susunod na mangyayari pagkatapos nilang ikasal? Magiging okay na ba ang lahat? O mas lalong lalala ang sittwasyon? Paano na ang pinakamamahal na boyfriend ni Genuine na si David? Iiwan naba niya ito para maging asawa ng kinakapatid at kababatang si Red na noon paman ay kinamumihian na niya? O mananatili parin sa nobyo at ipaglaban ang pagmamahalan nila? At si Red naman? Bibitaw na ba sia sa pagiging isang napakasikat na modelo na siyang gustong-gusto niyang career at mag-focus na lamang sa pagiging isang matanyag na businessman katulad ng ibang mga kapatid niya para maging mabuti at responsableng asawa kay Genuine at ma-meet ang mataas na standard ng perfectionist na kababata? Kamumuhian pa kaya nila lalo ang isa't-isa? O ang pagkamuhing iyon ay mawalan ng bisa.. Nang mangyari ang isang gabing.. Pumukaw sa mga damdamin nila.All Rights Reserved