Sabi nila, love moves in a mysterious way. Di mo malalaman kung kailan, saan o sino man ang nakatakda para sayo. Pwedeng matagal na kayong magkakilala, pero wala kang ideya na siya na pala ang "the one" mo. Pwede ding nakasalubong mo na siya, pero di mo lang inakala na siya na pala yun. Dahil...sino nga ba siya sa buhay mo? Wala.. estranghero. Estranghero na...kilala ka pala Estrnaghero na...matagal kanang pinagmamasdan Estranghero na...matagal kana palang mahal Estranghero na...mamahalin mo rin? Ang lugar kung saan umuulan tuwing may dalawang taong pinagtagpo ng tadhana. Isang kwentong pinaniniwalaan ng mga nakakatanda. Kwentong kahibangan pakinggan para sa mga kabataan ngayon. Pero kahibangan pa ba itong maituturing, kung sayo na rin mismo ito nangyari?All Rights Reserved