Isang probinsyana si Charia. Bata pa lamang siya ay hinasa na siya ng kanyang lola na gumamot sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga demonyo. Sa edad na dalawampu't tatlo ay naisipan niyang lumuwas ng Manila kasama ang isang kaibigan, duon siya humanap ng trabaho sa isang sikat na ospital, ngunit lingid sa kaalaman niya ay duon na mag-sisimula ang pagka-letche-letche ang buhay niya. Maraming rebelasyon ang sumalubong sa kanya. "Mga doctor kami at nasaksihan na namin lahat ng kamatayan, kamalayan namin kung isa lang ito sa mga natatanging aksidente." bulong niya sa kanyang utak. Habang pinupunasan ang dugo sa pisngi nya. "We need to continue the game."