Si Cara Adelise Margano, isang babaeng never pang nagkaboyfriend kaya naman kung magkacrush ay to the maximum level. Naging theme song na rin niya ang kanta ni Anne Curtis na "Tinamaan" kaya nga wala siyang pakialam kung maging desperada man siya, papansin, nakakairita, dead na dead, obvious, wala namang importante sa kanya kundi yung mapansin lang siya ni crush. Pero ang tanong kailan kaya mag-eexpire ang kanyang NBSB membership card at hanggang saan ang kaya ng pana ni kupido sa kanya? Tunghayan ang kabaliwan ni C.A. sa kwentong NBSB.