Book4 Intro TEACHER MINA PRESENTS: The Poor Princess: Princess Avril and Lawrence. Nag-iisang anak at heredera si Princess Avril kaya naman mataas ang tingin nya sa kanyang sarili. Prinsesa sya at may katulong sila. Sampung taong gulang pa lang siya nang mamatay sa sakit sa baga ang mama nya, naiwan sya sa pag-aaruga ng kanyang papa Francis. Mayaman din ang kanyang nobyong si Lawrence, point guard at star player ng Basketball team ng school. Gwapo ito, pero hindi malambing sa kanya, at mabait at magalang naman sa iba. Kaya marami din ang nagtataka kung paano nagustuhan ni Law ang matapobre at mataray na babae. Arrange Marriage kasi sila noon pa, at hindi naman ito alintana para sa kanila dahil minahal na nila ang isa't isa. Nagkaroon ng malaking aberya sa kompanya ng papa ni Avril, nalugi ito at bumagsak. Nakulong ang papa nya at pinalayas sila Avril sa kanilang mansyon. At tumira sya pansamantala sa bahay nila yaya Josie, walang aircon doon! Kumalat ang balitang naghihirap ang dating Prinsesa. Isa itong malaking kahihiyan para kay Avril. Nawala ang lahat sa kanya, ang karangyaan sa buhay, ang mga kaibigan at mga kakilala, maging si Law ay nawawala at hindi nya kasama. Papaano na sya? Papaano na sya mabubuhay? #TMPBook4
Karagdagang detalye