Si Ignacio ang perpektong lalaki sa mga mata ni Danica, ang kanyang matalik na kaibigan. Kaya tahimik lang siyang humahanga sa binata para sa kanilang pagkakaibigan. Pero, pumasok si Julio sa larawan --- ang kaibigan ni Ignacio na mapaglaro pagdating sa mga babae. Sino ba ang mas ligtas mahalin? Si Ignacio na matagal nang tinitingnan ng kanyang mga mata o si Julio na tila tinititigan ng kanyang puso kahit pa may ugali itong iwan lang siyang nababasag ang puso, sa bandang huli? Ligtas ang puso niya kay Ignacio pero napapasaya naman siya ni Julio. Kaya may digmaan na nabuo sa puso at pagkatao niya. Pero kapag nag-tigil-putukan na, sino nga ba ang dapat manalo kina Ignacio at Julio?
22 parts