Story cover for The Summer We Lost by eye_you
The Summer We Lost
  • WpView
    Reads 11
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 1
  • WpView
    Reads 11
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 1
Ongoing, First published Nov 04, 2021
Hindi lang responsibilidad sa isang malaking kumpanya ang naiwan sa pamamahala ni Andrealle Gustaves nang mamatay ang kaniyang abwelo kundi malaking obligasyon din para maging guardian ng nag iisa niyang pamangkin na si Krisha. Kaya nga nang tumakas ito upang makipagkita sa diumano'y kasintahan nito ay agad agad din siyang lumipad pabalik nang Pilipinas para hanapin ito. Sa kanyang paghahanap sa artistang kasintahan kuno ni Krisha na si Eugene ay nakilala niya si Terrenz Kim, ang manager nang artistang si Eugene at ang Tiyuhin nito na si Leon Santillan na siya ring nagmamay-ari nang entertainment company na may hawak rito. Kita kaagad ni Andi na hindi siya gusto ni Leon sa una pa lamang nilang pagkikita pero wala siyang choice kundi lapitan ito upang humingi nang tulong sa paghahanap. 

Mayaman, gwapo at kilalang "womanizer" si Leon at hindi iyon bago kay Andi. Pero sa ilang pagkakataon na nagkasama sila sa paghahanap ay nakita niya ang kabutihan nito at hindi niya napigilan ang sarili na mahulog at main-love. Nagtapat siya ng pag-ibig sa binata pero agad din siya nitong ni-reject. 

Dahil sa kabiguan sa pag-ibig at sa paghahanap sa pamangkin ay nagpunta si Andi sa probinsiyang kinalakihan nang kanyang abwelo. Ilang araw pagkadating niya sa probinsiya ay nakatanggap siya nang imbitasyon para sa isang High School Reunion. Dahil wala siyang magawa ay napagpasyahan niyang pumunta at doon muli niyang nakita sina Terrenz at Leon. Doon niya din nalaman na sa iisang High School pala sila unang nagkakilakilala at doon niya rin nalaman ang planong paghihiganti ni Leon sa kaniya dahil sa nawala nito noong kanilang kabataan. Pero hindi maalala ni Andi kung ano ang nawala ni Leon noon. Hindi niya maalala ang kanilang mga pinagsamahan at mga pangako.
All Rights Reserved
Table of contents
Sign up to add The Summer We Lost to your library and receive updates
or
#209summerlove
Content Guidelines
You may also like
MAKE HIM SOFT by notreallyawesome
24 parts Complete
Lumipat sa St. Augustin Academy ang ulilang si Santi at Jake, magkaibigan na parehong iskolar ng misteryosong lalaki na pinangalanan ni Santi na Mr. Smiles. Hindi kasi mabura ng naturang lalaki ang mga ngiti nito kahit na nababasa ng binata ang mga emosyon sa hindi makapagsinungaling na mga mata. Bago magsimula ang klase ay nakaengkwentro ni Santi ang isang lalaki na nahuli niyang nagnakaw ng inumin sa convenience store. Wala sa kalooban ni Santi na manghusga kaagad kaya minabuti niyang sundan ang lalaki upang itama at pagsabihan. Nasa likas na kalooban na ni Santi ang pagtulong sa mga taong alam niyang nababalot ng kadiliman dahil napunta na rin siya sa ganoong sitwasyon kung saan si Mr. Smiles ang nagbigay liwanag sa kaniya. Ngunit ang pagmamabuti ni Santi sa lalaki ay nauwi sa bugbugan kung saan dehado si Santi. Nang magpasukan ay nagawa namang makapasok ni Santi dahil matagal na niyang inaasam na makapasok pero hindi niya inaakala nang mamukhaan ang lalaking nakaupo sa likuran niya. Ang lalaking bumugbog sa kaniya noong gabing yon ay kinilalang si Andrei Arsenal na laman ng mga kwento bilang isang delikwenteng estudyante, palaaway, at kahit kailan ay walang nagawang matino sa pag-aaral tatlong taon na ang nakakalipas. Takot man kay Andrei si Santi ay hindi niya maalis sa sarili na tulungang alisin ang kalungkutan, pag-iisa, at kadilimang bumabalot sa binata. Kung kaya kahit palagi siyang sinusungitan, sinasamaan ng tingin, at umaaktong parang bato ay ginusto niyang makilala ang binata. Hindi inaasahan ni Santi na makikilala niya nang husto ang binata. Hanggang sa hindi niya namamalayang unti-unti na siyang nahuhulog dito. May agam-agam at takot ay hindi niya mapigilan ang damdamin. Bagamat nagkakalapit na sa isa't-isa ang dalawang binata, hindi sila nakaligtas sa maraming mga problema dala ng mga hindi inaasahang pangyayari. Magagawa bang palambutin ni Santi ang matigas na si Andrei at magawa ba nilang malagpasan ang mga problemang kakaharapin sa hinaharap?
My mysterious guy by stargazer_88
15 parts Complete Mature
Ayaw na ayaw ni Lyka, na main-love kahit sinong lalaki o magkaroon man lang ng boyfriend. She vowed her self to won't allowed any man to hurt her feelings or broke her heart. Gaya ng ngyari sa kanyang kaibigan na palagi nalang umiiyak, dahil sa pag-ibig. Pero, isang araw ay binulabog nalang sya ng isang "Mysterious Guy" na laging nag-dadala sa kanya ng bulaklak araw-araw. 'Di niya iyun pinansin. But when she meet Samuel Andrie Ramorez, a serious, hardheaded, notorious playboy and deadly Handsome guy. Ay nagulo ang kanyang depensa. Amo niya ito sa pinag-tratrabahuan niyang restaurant. Nakakalito pa ang ugali nito. Minsan masungit, minsan mabait at malambing. She hates his guts. Lalo nang hinalikan lang s'ya nito bigla. Umabot talaga hanggang langit ang galit niya sa lalaking ito. Kaya umalis s'ya sa kanyang pinag-tratrabahuan at nag-bakasyon sa Sta. Rosa. Pero, parang kapalaran na talaga niya na makasama si Andrie. Kahit kasi doon ay naroon rin ito. Pero, bakit gano'n, sa kunting araw na kasama niya ito ay nahuhulog na ang puso niya dito. The second kiss, makes her realize that she have a feeling with him. Handa na sana niyang sabihin dito ang nararamdaman niya. Nang malaman niya ang dahilan ni Andrie, kung bakit s'a nilalapitan nito. Because, Andrie's her worst enemy way back twenty years ago. Ito ang batang Andrie na pinahiya niya noon at nagbabalik para maghigante sa kanyang ginawa. Paano na kaya ang puso niya ngayon? Unang pag-ibig palang, palpak na. Tatakas nalang ba s'ya ulit?
TAINTING HER INNOCENCE (R18+) by jhoelleoalina
30 parts Ongoing
Bunga si Thalia ng seksuwal na pang-aabuso ng isang among lalaki sa isang katulong. Nang maisilang siya ng kanyang ina ay iniwan siya nito sa poder ng kanyang ama na mayroong ibang pamilya. Hindi siya tanggap ng kanyang ama pero hindi rin naman siya nito itinaboy palayo. Lumaki si Thalia na salat sa maraming bagay at isa na roon ay ang pagmamahal galing sa kanyang totoong magulang. Kulang din siya sa edukasyon dahil hindi siya hinayaang makapag-aral ng kanyang ama sapagkat gusto nitong manatiling lihim ang pagkatao niya. Umiikot lang ang mundo niya sa loob ng mansion kung saan siya nagsisilbing katulong ng sariling ama at ng pamilya nito. Lumaki siya sa pang-aalila at pisikal na pang-aabuso ng sarili niyang kadugo. Tanggap na ni Thalia ang buhay na mayroon siya sa loob ng mansion. May pagkakataong naiisipan niyang tumakas pero natatakot siya sa maaaring mangyari sa kanya sa labas. Wala siyang ibang kakilala na maaaring niyang puntahan at tumulong sa kanya. Wala siyang taong malalapitan oras na makatakas siya. Pero ang hindi inaasahan ni Thalia na mangyayari sa buhay niya ay nang dukutin siya. Nagtatapon siya ng basura sa labas ng bahay nang may isang sasakyang tumigil sa tabi niya at sapilitan siyang isinakay. Hindi na niya alam ang sumunod na nangyari dahil bigla siyang nakatulog nang may panyong itinakip sa ilong at bibig niya na mayroong kakaibang amoy. Nagising na lang siyang nakagapos sa ibabaw ng kama habang may isang matipuno at guwapong lalaki ang tiim na nakatingin sa kanya. Nagsilbing bihag siya ng isang lalaking nagngangalang Matthew Sebastian. Plano siya nitong gamitin sa paghihiganti sa kanyang ama. Sinubukan niyang ipaliwanag dito na nagkamali ito sa pagdukot sa kanya at mali ang inaakala nito sa kanyang pagkatao dahil ang akala nito ay isa siyang iniingatang prinsesa sa loob ng mansion. Pero hindi naniwala sa kanya ang binata at ipinagpatuloy nito ang planong gamitin siya.
You may also like
Slide 1 of 10
MAKE HIM SOFT cover
Back Off, She's Mine cover
Jackpot In Love (Published under PHR) cover
MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED) cover
The Cherished Promise [Completed | Under Revision]✅ cover
My mysterious guy cover
TAINTING HER INNOCENCE (R18+) cover
Skeletons In the Closet (wlw) cover
Heart Memories ***Published - under  Lifebooks*** cover
Ang Babae Sa Kawayanan cover

MAKE HIM SOFT