Kilalanin si Alexander Montecillo, isang inhinyero at negosyante. Pag-aari niya ang tanyag na Montecillo Real Estate na 30 taon nang nasa rurok ng tagumpay. Lahat ng naisin niya ay napapasakamay niya sa isang kisap mata lang maliban sa isang bagay, at ano ang bagay na ito? Ang oras at atensyon ng kanyang kasintahan na si Arianne. Uhaw sa pag-ibig, atensyon, at oras kung kaya naman itinuon ang pansin sa pagnenegosyo at pagpapayaman. Kilalanin rin si Scarlet Devilla, isang dalaga na may mataas na pangarap. Wala siyang oras sa pakikipagrelasyon dahil sa responsibilidad na dapat niyang gampanan. Uhaw sa atensyon at kalinga ng mga magulang kung kaya't itinuon niya ang atensyon at oras sa trabaho at pagtugon sa responsibilidad. Sa pagtatagpo ng kanilang mga landas, isang mainit na pagsasalo ang agad na magbubuklod sa kanilang dalawa, isang aksidenteng pagniniig na magiging mitsa ng paglalaro ng tadhana. Makakatakas pa kaya silang dalawa? Kung kapalaran na mismo ang gumagawa ng paraan upang pagtagpuin ang dalawang . Mahahanap at mapupunan kaya nila ang pagka-uhaw ng isa't-isa? Start: February 2, 2020