Hindi naniniwala si Lucifer sa Diyos. Pero bago mo
sabihing: "Hindi ah. Naniniwala si Lucifer sa Diyos, pero
mas naniniwala siya sa sarili niya.", heto ang istorya.
"Lucifer" ang bagong ginagamit na pangalan ngayon ni
Miguel, na kaibigan ni Tomas, at si Tomas ay isang
tanyag na iskultor at alagad ng sining sa kanilang
bayan. Minsan nagkausap silang dalawa.
"Pakiramdam ng mga tao para silang mga tanga kapag
ganyan ang tawag nila sa'yo." prangkang komento ni
Tomas.
"Ang alin?" tanong ni Lucifer.
"Yang pangalan mo." Wika ni Tomas. "Hindi ka ba
masaya sa dating pangalan mo? Hindi ba sapat na
kapangalan mo ang matipunong anghel ng Diyos?"
Humalakhak lang si Lucifer. Batid ni Lucifer ang
gustong ipunto ng kaibigan. Sila'y matagal nang
magkaibigan sa bayang iyon, magkababata, at alam na
nila kung paano dalhin ang isa't isa. Kahit na nagbago
na ng paniniwala si Lucifer, at hindi na siya naniniwala
sa Diyos, marunong pa ring maging senitibo at maingat
ang dalawa sa kanilang mga sariling interes