Ito ay isang maikling kwento ng pag-iibigan ng dalawang estudyanteng sina Simeon at Lilay. Ang mga pangyayaring nakapaloob dito ay hango sa totoong buhay. Dito nakasalalay ang tunay na aral ng kwentong ito: "Love conquers all", ito ay magiging susi sa kanila upang matamo nila ang tunay na buhay na inaasam nila. Masusubukan din sila ng pag-uusig ng kanilang kasamahan, ngunit ito ay hindi hadlang sa pagsasama. Tuklasin ang natatagong kwento ng pag-ibig sa kanila para unawain ang aral ng buhay. Kilalanin natin si Simeon, isang lalaking may takot sa Diyos at matalino, si Lilay, isang babaeng na-inlove kay Simeon dahil lamang sa kanyang katalinuhan, kasipagan at pagkamaginoo. Sundan natin ang kanilang pagsasama sa pamamagitan ng mga pangyayaring isinulat kung paano nila nalampasan ang hadlang ng pag-ibig, ang maagang pagkakaroon ng relasyon. Alamin din natin kung paano maiiugnay at hinahamon ng kwentong ito sa ating panahon ngayon, sa kabila ng mga pagbatikos, pag-uusig at pag-aaway sa isa't-isa. At higit sa lahat, isipin natin kung ano ang dahilan ng kanilang maagang relasyon: sa materyalismo, sa katalinuhan, o sa pagiging maka-Diyos. Makikita rin dito ang mga kaunting kaalaman upang mas lalong maintindihan ang mga paksang tinatalakay at ang mga pansariling opinyon ng may-akda tungkol sa mga pangyayari. Ang tanong: Mapasagot at maging crush kaya niya na gagawin ang lahat matupad lamang ang pangarap nito?
22 parts