Meet Yugenie Zoi Slora ang nag-iisang babaeng anak ng pamilya Slora. Nang ipinanganak si Yugenie ay laking tuwa ng pamilya niya lalong lalo na ang kanyang lola. Dahil may kasabihan ang angkan ng mga Slora na ma swerte ang pamilyang may babaeng anak. Maliit palang si Yugeni ay namulat na siya sa karangyaan ng kanilang pamilya. Nang tumuntong siya sa tatlong taon gulang ay napagpasiyahan ng kanyang lola na kunin siya upang sanayin at tumutol dito ang magulang ni Yugenie ngunit wala silang nagawa. Lumipas ang limang taon ay napalapit at napamahal si Yune sa kanyang lola tinuring narin niya ito na parang totoong ina. Sa sampung taong nakasama ni Yune ang kanyang lola ay naranasan niya ang simpling pamumuhay, maraming mga bagay siyang natutunan, ngunit isang araw biglang gumuho ang kanyang mundo ng malaman niyang inataki sa puso ang kanyang lola at ito ang dahilan na ikinamatay nito. Lumipas ang tatlong taon ay sariwa parin sa mga alaala ni Yugenie ang kanyang lola. Masakit parin sakanya ang pagkawala nito. Imbes na umiyak at magdamdam ay pinatatag niya ang kanyang sarili. Isang araw hindi niya sinadyang makinig sa pinag-uusap ng kanyang mga magulang. Narinig ni Yugenie ang mga katagang nagpagulat sakanya na gusto ng malapit na kaibigan ng kanyang mga magulang na ipagkasundo siya sa kanilang anak. Dahil dito ay tumutol siya pero hindi pumayag ang kanyang mga magulang nagmatigas si Yugenie at nagpasyahan niyang umalis sa kanila upang hindi matuloy na ipagkasundo siya at mag-isang tinahak ang kaniyang mga mithiin at pangarap sa buhay. Sa inyong palagay, makakamit ba ni Yugenie ang kanyang mithiin at pangarap sa buhay na mag isa lang? Kung ganon ating saksihan ang kanyang mundong tinahak. 1/30/22 #WETMYAll Rights Reserved