33 parts Ongoing MatureWhat happens when fate brings together two completely different worlds?
Natasha Villamor, isang simpleng babae na nagsusumikap para sa kanyang pamilya, ay biglang napasok sa buhay ng isang matapang at mataray na CEO, Alexandra Villamor. Isang aksidenteng pagbuhos ng kape ang naging simula ng lahat-mula sa pagiging assistant ng babaeng kinaiinisan niya, hanggang sa unti-unti niyang matuklasan ang mas malalim na bahagi nito.
Sa mundo ni Alexandra, walang puwang para sa kahinaan. Ngunit sa kabila ng kanyang matigas na panlabas, may mga sugat siyang matagal nang hindi gumagaling. Habang nasasanay si Natasha sa demanding na trabaho sa ilalim ni Alexandra, unti-unti rin niyang nadidiskubre ang tunay na ugali ng boss niya-ang mga lihim, sakit, at dahilan kung bakit ito tila laging may pader sa pagitan nila.
Ngunit paano kung sa gitna ng kanilang lumalalim na koneksyon, bumalik ang isang taong minsang minahal ni Alexandra? At paano kung ang nakaraan ni Natasha ay may kinalaman din sa pamilya ng babaeng nagiging espesyal na sa kanya?
Sa pagitan ng mga hindi inaasahang pangyayari, matutunan kaya nilang harapin ang katotohanan? O mananatili lang sila bilang dalawang taong itinulak ng tadhana sa isa't isa-pero hindi itinadhana para magtagal?
this is a girl to girl (gxg) story.