Ang Paglubog ng Araw ni Polanini
Isinali ko ang kwentong ito sa isang writing contest sa Facebook Page. Ang title ng contest ay #FailedIbig. Kung pamilyar kayo sa FB page na Sobrang Short Stories, ako si Mystique. Ang theme ng contest nila ay bakit hindi nagwowork ang isang relationship. Nanalo ito, third place, sa totoo lang, hindi ko talaga inisip na mananalo ito, dahil isinulat ko lang naman ito dahil gusto ko lang. Na-challenge lang ako. After nga ng critic, dun ko na-realize na ang pangalan pala ng characters ko ay tulad sa mga characters ni Rizal, sa totoo lang. Hirap kasi talaga ako makatanda ng pangalan.
Habang sinusulat ko ito, naka-repeat current song yung cover ni Sungha Jung na Canon D. Kaya kung iyo man itong babasahin, suhestyon ko na basahin mo ito habang nakikinig sa Canon D, mga pangatlo o pang apat na level ng volume sa cellphone mo, at basahin mo ito ng dahan-dahan, na tila ba ikaw ang nagsulat ng kwento.
Hindi ko matandaan na may plot ang kwento nito, basta naaalala ko lang noon, gusto ko lang gawan ng kwento yung Canon D.
Dun nagsimula yung title na Ang Paglubog ng Araw.
Kung mapapansin ninyo sa kwento, ang opening phase ko ay patungkol sa paglubog ng araw noong bata pa sila Clara at Ibarra, sa gitna naman ay pagsikat nito pagkatapos nilang magsiping, at sa huli, ang muling paglubog ng araw nil Ibarra, ang inaasam niya na makasama na si Clara at ang anak nila.
May kung ano kasi sa sunset na parang ang romantic diba? Pero tuwing nakakawitness ako ng sunset, hindi ko alam pero bakit ako nalulungkot lagi. Yun ang dahilan kung bakit nabuo ang kwentong ito.