41 parts Ongoing [Ongoing]
"Maybe love and dreams don't really work together."
***
Para kay Livin, mataas at tila ba malayong-malayo si Liberty para sa isang katulad niyang wala pang napatunayan at maipagmamalaki sa buhay. Kung ikukumpara sa pag-akyat ng bundok, si Liberty ay nasa tuktok na habang siya ay nagsisimula pa lang makipagsagupa sa mga balakid paakyat sa tuktok ng bundok.
Sa kabila nito, nabigyan siya ng pagkakataon na maging malapit at kung papalarin pa nga, ayon sa mga kaibigan nila, ay magkaroon ng pag-asang maging kasintahan si Liberty, ang babaeng matagal na niyang tahimik na nagugustuhan.
Ngunit paano kung para kay Liberty ay wala pa pala siya sa tuktok at marami pa siyang kailangang patunayan, hindi kabilang sa mga 'yon ang pagkakaroon ng kasintahan, may pag-asa nga bang nakalaan para kay Livin?
Status: Ongoing
Genre: General Fiction, New Adult (Epistolary)
Language: Filipino, English
Of Dreams and Heartaches
© ameliorist_
*Started - November 15, 2020