Ang mga nobelang isinulat patungkol sa pag-ibig ay kalimitang nauuwi sa kasal. Ang iba sa kanila'y nagmula pa sa mga puppy love na itinatawag ngunit ang iba naman ay kusang umusbong nalang no'ng dumating ang takdang araw.
Ngunit saan man sila nagmula o anuman ang pinagmulan ng kanilang kwentong pag-ibig, hindi na mahalaga iyon, dahil kung saan nahuhumaling ang bida sa istorya, doon din pumapanig ang mga mambabasa.
Kaya't kung ang dalawang tunay na nagmamahalan ay nauwi sa kasal, hindi na madalas napagtutuunan ng pansin ang taong pang-pangalawang karakter lamang.
Ang tanong, ano kaya ang kaniyang nararamdaman? Ano kaya ang saloobin ng taong inakalang bida sa nobela, ngunit sa huli, ay hindi naman pala?
"Ang nauuna ay nahuhuli at ang nahuhuli ay siyang nauuna."
This story is inspired by the song Kundiman by Silent Sanctuary, (2007).
A collaboration with @FILIBOOSTEROTodos os Direitos Reservados