#Maid Series II
#Ella and Sebastian story
Simple, baduy, mahilig mangarap ng gising, at sadista--- mga katangian na meron ang isang Ella Jane Batumbakal. Isa lang naman ang pangarap niya, ang magkaroon ng isang asawa na katulad ng sa kaibigan niya---malambing, mayaman, maalaga, gwapo, at higit sa lahat mabait at mapagmahal. Ngunit paano kung isang Sebastian Kien Dominguez ang makikilala niya? Isang lalaki na gwapo nga at mayaman pero masama ang ugali at higit sa lahat, kaibigan niya ang minamahal?
Hindi niya gusto ang lalaki at ayaw na niya itong makita pa, ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil kahit ayaw niya itong makita ay pilit pa rin silang pinagtatagpo. Nagkaroon ng sakit ang kanyang Ina kaya kahit ayaw niya ay pumayag siya sa alok ni lola Guada na maging katulong ng isang Sebastian Kien Dominguez.
Paano sila magkakasundo ng lalaki? Paano niya mamahalin ang isang lalaki na noon pa man ay iba na ang gusto? At paano siya mamahalin nito?