Ito ako nagmumuni-muni na naman... It's been years ang inilagi ko dito sa London to keep my scholarship at...napakaraming tao na ang nakilala ko at siyempre,marami din akong kaibigan na naiwanan sa Pilipinas. Noong una ay hirap akong makahanap ng kaibigan dahil kailangan kong matutunan mag-ingles ingles...with accent pa, mabuti na lang at tinulungan ako ng mga kasama ko sa boarding house na tinutuluyan ko upang masanay sa kung paano sila magsalita...noong nasanay ako'y sila naman ang tinuruan ko kung paano magsalita ang tulad kong Pilipino. Sa tagal kong narito ay marami akong namiss...mga kaibigan ko, pamilya ko at that one girl...that one girl na pinangakuan kong babalik ako para ligawan siya. Nagpasya ako na doon na magpapatuloy ng kolehiyo kahit nandito ang scholarship ko. Habang naghahanda ako ay 'di ko maiwasang makaramdam ng halu-halong emosyon. Kamusta na kaya siya? Ano na kayang itsura niya ngayon? Daming tanong na pumapasok sa isip ko...and out of the blue ay napapangiti na lang ako, mas lalo akong ginaganahan na bumalik. "Malapit na tayo magkita, Sevie...malapit na malapit na. Malapit na kong bumalik sa Pilipinas... at sa pagkakataong iyon, babalikan rin kita tulad ng pinangako ko sa'yo noong tayo'y mga bata pa."All Rights Reserved