Ang mga tala ng kahapon, kuwento at mga tula na nabuo ng dahil sa kahapon.
Lagi't lagi tayong may alaala na hindi nais balikan, iniisip na hapdi ang idudulot nito at bigat sa damdamin. Totoo, alam na walang ngiting ibubunga ang kahapon, lalo ang mga masasakit na sandali, kaya nagdalawang isip rin kung itutuloy ang proyekto na ito. Isang araw akong nagmukmok at balisa, ngunit sa gitna nang pagdududa, mas pinili kong ituloy ang balak, at ito na siya, ang Kahapon na nais ko na tanawin ni'yo rin. Sa mga panahon rin na ito ay tinanong ang sarili, "kung ano ang mapapala sa gagawin? at kung nanaisin ba ang mabubuong libro sa tulong ng aking kahapon? Ngayon sa tulong ninyo, nais ko sanang mahanap ninyo ang sagot sa aking mga tanong. Sa pagkakataong ito pasasalamat ang aking pinaabot sa lahat ng sumuporta, gumabay at naging dahilan sa pagbuo ng librong ito.
Prose that may be too bland or too blue;
Random stories that may or may not be true;
All penned by Alice in her times of loneliness;
They shall aid the mind and heart of the restless.