"It's payback time! Sa wakas, maisasakatuparan ko na ang mga balak ko ngayon... See you soon Pamilya Salvador... Tikman niyo ang ganti ng isang taong minaliit at ipinagtabuyan niyo noon." Malalim ang iniisip ni Ethan ng mga oras na iyon, bumalik na naman sa kaniyang alaala ang dahilan ng kaniyang pagsusumikap at kung bakit niya narating ang kaniyang posisyon ngayon. Hinding hindi nya makakalimutan kung paano nabuo sa kaniyang isipan ang kagustuhang paghigantihan ang pamilya Salvador.
"Athena... I can't wait to make you kneel and beg for yourself." Bulong niya sa sarili. "Especially you, Mr. Salvador."