Yung feeling na hindi ka sanay na itrato na "special" pero dahil araw-araw at gabi gabi mo siya kasama ay nasanay ka na. Yung tipong sa 24 hours sa isang araw ay 18 to 20 hours kayo magkasama. Mas madalas mo pa siya kasama keysa sa mga magulang mo at pag kasama mo siya it feels like home kasi kumportable ka sakanya. Yung feeling na "parang kayo, pero hindi" . hindi sa nagaassume ka dahil mga kaibigan mo na rin mismo ang nagsasabi na "label" nalang ang kulang. Pero bakit isang araw nalang bigla kayong nawalan ng communication at naging cold kayo sa isa't isa? yung dating halos di kayo mapaghiwalay ay ngayon parang di niyo na kilala isa't isa. ano nga ba talaga ang nangyari sainyong dalawa? May iba siya? may nahanap siya na mas "better" sayo? Sana sinabi nalang niya na ayaw niya sayo kasi ang sakit mabitin at maiwanan ng walang dahilan....All Rights Reserved