Si Yunica at Rider.
Ang isa sa dalawang taong palaging pinagtatagpo ng tadhana, sadyang mapaglarong tadhana. Hindi sosobra sa sampu'ng beses kung magkasalubong sila. Dahil na rin sa iisa at magkatapat lang sila ng tinitirhan na condo unit. Ngunit kahit palagi silang nagkakasalubong, hindi nila nakikilala o namumukhaan man lang ang isa't-isa. Minsang natitigan ni Rider si Yunica, at minsan rin'g natitigan ni Yunica ang likod ng Rider pero kahit ganoon, hindi pa rin nila matandaan ang isa't-isa.
Dahil ganoon naman talaga, sa dinami-dami ng taong nakakasalamuha mo araw-araw, hindi mo talaga matatandaan ang kung sino man'g makakasalubong mo lalo na kapag maraming taong nakapaligid sa'yo.
At lalo na kung nasa isang tao mo lang pinapaikot ang mundo mo, hindi mo talaga magagawang mapansin ang mga nasa paligid.
Ganoon rin ang pag-ibig, kung kani-kanino ka pa mapupunta nandyan lang din naman pala sa tabi mo ang nakatadhana sa'yo.
Ganoon ang nangyari kay Yunica at Rider, hindi nila napapansin at pinapansin ang isa't-isa kahit isang metro lang ang kayo nila sa isa't-isabkung kaya't nagawa nilang magsisi sa huli.
JUST COINCIDENCE OR DESTINED?
Date started: September 29, 2021
Date finished: September 30, 2021
Published: November 30, 2021