Hindi kayo pero nahulog ka. Kaya mo bang panindigan na love team lang kayo at palabas lang lahat? Na walang totoong feelings sa isa't isa at trabaho lang ang dulo ng istorya?
Masaya naman ang lahat. Ikaw at ako. Walang makakapantay sa kaligayahan na meron ako pag kasama kita, pero bakit pagkatapos ng lahat ng yon, winasak mo pa rin ako? Bakit pagkatapos ng lahat ng yon, parang wala lang sayo ang ginawa mo? Have you moved on already? O manhid ka lang talaga na hindi mo nakikitang nasasaktan ako? Anong kalokohan to?