The Queen And The Black Diamond (Tagalog)

The Queen And The Black Diamond (Tagalog)

  • WpView
    Reads 121
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 8
WpMetadataReadComplete Fri, Feb 25, 2022
WpInfo
Fiction
Romance
Isang reynang nagtiwala sa kabaitan ng bisita nila kaya dahil dito nag-umpisa magbago ang lahat ng kung anong meron siya. Pinakitaan nila ng kabutihan at kabaitan ang kanilang bisita na si Marla. Itinuring nilang pamilya ang dalaga at pinuno ng pagmamahal ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay isa lamang patibong para makuha ni Marla ang kaniyang mithi. Tinangkang patayin niya ang reyna, unang hakbang upang makuha niya ang kaharian ngunit sa araw ng koronasyon ay nagulat siya sa pagpapakita ng reyna. Sa mabuting puso ng reyna ay hindi niya binigyan ng kaparusahan ang dating kaibigan. Binigyan niya si Marla ng pagkakataon upang magbagong buhay ngunit sinayang ito ng dalaga at nakipagsabwatan pa siya sa isang dating reyna na si Entrea upang pagdusahin ang reyna Amerenda. Pinatay ng dalawa ang mahal sa buhay ng reyna Amerenda upang iparamdam sa kaniya ang panghabambuhay na pagdudusa. Ilang linggo ng nakalilipas ngunit hindi niya pa rin matanggap ang pagkamatay ng kaniyang mga mahal sa buhay. Araw araw at gabi gabi siyang umiiyak kaya nag-aalala sa kaniyang ang mga tao sa buong kaharian. Isang araw, habang namamasyal ay may lumapit sa kanilang matanda at humingi ng makakain at maiinom. Sinuklian ng matanda ang kabutihang ipinakita ni reyna Amerenda. Binigyan niya ang reyna ng mahiwagang itim na diyamenta. Ipinaliwanag ng matanda kung ano ang gamit nito at paano ito gagana. Gamit ang itim na diyamante ay bumalik ang reyna sa nakaraan upang mailigtas ang minamahal sa buhay ngunit may isang mahalagang pagsubok siyang pagdadaanan bago mailigtas ang mga mahal niya sa buhay. Dahil sa nangyari sa kasalukuyan ay binago ng reyna ang kaniyang ugali upang hindi na siya maabuso pa ninuman. Maraming nagbago sa pagbabago ng kaniyang ugali. Makakabalik pa kaya siya sa kasalukuyan, na tagumpay sa misyon niya? Makakabalik pa kaya siya sa kasalukuyan na hawak hawak ang tagumpay? #Completed #ShortStory
All Rights Reserved
#51
fantasy-romance
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Close your eyes, Hermosa ✔
  • Binayaan: Hagupit ng Ganti
  • When It All Starts Again
  • Ms.Nerd The Long lost Princess in the Olympus Academy            (COMPLETED)FS#1
  • The Gifted's (COMPLETED)
  • Fantasia de Academia (Book One)
  • Behind The Past
  • Skeletons In the Closet (wlw)
  • King Without Crown
  • From Teasing to Forever: A Journey of Love [COMPLETED]

[ THE WATTYS 2023 SHORTLIST ] "Sabi nila, naglalakbay daw ang diwa ng isang tao habang nahihimbing. Ngunit sakaling makamit mo ang kaligayahan at pag-ibig sa panaginip na binuo ng iyong isip, pipiliin mo pa rin bang magising?" *** Isinilang sa isang marangyang angkan, puspos ng katalinuhan, kayamanan at kagandahan. Isang malaking sumpa pa rin kung ituring ni Camilla ang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng kapalaran. Sa murang edad ay maaga siyang namulat sa mundo ng pag-aasawa, matapos siyang matali sa isang kasunduan na hindi niya ginusto kailanman. Nang dahil dito, naging madilim ang bawat araw na nagdaan sa kanilang pagsasama. Walang gabi ang lumipas kung saan hindi niya tinitingala ang kalangitan, humihiling at umaasa ng pagbabago sa mapait na buhay na kanyang taglay----at dumating nga ang araw na iyon. Dumating ang isang madilim na tagpo. Isang trahedya ang naganap na bunga ng kataksilan. Mula sa isang mahabang pagkakahimbing, tila isang panaginip ang dumating na siyang magbabago ng lahat. Mula sa isang madugong aksidente, magigising si Camilla at matatagpuan ang sarili sa isang kakaibang mundo. Sa ibang oras. Sa ibang lugar. At sa ibang pagkakataon. At higit sa lahat, sa isang lugar na tila walang lagusan upang makaalpas. Sa maikling panahong pananatili niya roon ay magsisimula na siyang mangulila at hanapin ang daan pabalik sa tunay niyang pinagmulan. Ngunit makikilala niya ang isang misteryosong estranghero na si Emilio---ang magpapabago nang tuluyan sa tibok ng kanyang puso. Gugustuhin niya pa rin bang mahanap ang daan? Kung siya ay bihag na ng pag-ibig? At sa kabila ng mga nakatagong lihim na kanyang matutuklasan... Handa pa rin ba siyang matawag na "Hermosa" sa huling pagkakataon? Date written : April 7, 2022 Ended : March 15, 2023 Language : Tagalog Book cover : Chrys_tala✨

More details
WpActionLinkContent Guidelines