Ginawa ang mundo para sa bawat nilalang para mamuhay ng payapa. Maraming mundo ang nilikha at marami ding mga may buhay ang nakatira upang pamunuan ang teritoryo nila. Simula pa lamang ay may mga nilalang na nilikha na mayroong taglay na kakayahan at talento. Hindi ito masukat at nakadepende ito sa kanyang totoong pagkatao. Paano na lamang kung simula pa lamang ay isinilang ka na wala kang kakayahan at tingin mo sa iyong sarili ay wala kang silbi upang mabuhay sa mundong iyong ginagalawan. Likas sa bawat isinilang sa mundo nila ang mayroong taglay na kakayahan at ito ay umiiral hanggang sa kasalukuyan. Subalit sadyang ang nakalaan ay nakalaan para sa iyo at walang pwedeng umagaw nito. Ito ang mundong ginagalawan ng isang pamilya na kung saan ay namuhay sila ng payapa sa malayong lugar. Lumayo sila dahil sila ay mga mababang uri at walang kakayahan upang sumabay sa agos ng buhay. May taglay silang kakayahan pero hindi ito sapat upang makipagsabayan sa malalakas. Sa mundong ginagalawan nila ay umiiral ang kakayahan bilang mga Alchemist, formation master, Blacksmith,Mage yung may kakayahan sa mga elemento at mahika. Hindi rin mawala ang propesyon bilang mga assassin at kinukuha ang kanilang serbisyo upang kumitil ng buhay sa nagiging kalaban ng kanilang kliyente. At isa sa kakayahan ang halos isinsumpa ng lahat kundi ang pagiging healer dahil ito ay walang kakayahan pagdating sa labanan kundi ang manggamot lamang. At sa tingin nila ay sagabal lamang ito sa kanila. Ang ang kakayahan ng pamilyang meron si Cain Matte. Nag iisang anak na lalaki ng pamilyang matte na parehong mga healer sa mundo ng Obus. Ang planetang nasa ilalim ng Lower realm. Samahan ako at tunghayan ang buhay ng ating bida. Paunawa: Ang kwentong ito ay kathang isip lamang. Kung ano man ang pagkakahalintulad ay hindi sinasadya ng may akda.