"Go Julien!" Sigaw ni Cymon. Agad lumipad ang tingin ko sa kanya habang kumakanta ako. Hindi ko pinansin ang pambubuska niya sa akin. Ipinagpatuloy ko lang ang aking pagkanta habang patuloy niya akong kinakantiyawan. Nagsisimula na naman akong mainis sa kanya ngunit hangga't maaari ay hindi ko ito ipinapakita sa kanya. Matutuwa lamang siya kapag nakita niya akong naiinis sa mga ginagawa niya. Nang mapansin niyang hindi ako naiirita sa mga pangangantiyaw niya ay agad siyang umakyat sa entablado. Nanlaki ang mga mata ko. "Hi Julien." Ngumiti siya ng nakakaloko sa akin at biglang hinalikan ako sa labi.All Rights Reserved