IMAHE
  • WpView
    Reads 2,221
  • WpVote
    Votes 58
  • WpPart
    Parts 14
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeLast published Sat, Jul 9, 2022
Sa pagdilat ng mga mata ni Lara, nalaman niya agad na bumalik siya sa nakaraan. Kung paano at bakit, hindi niya alam. Pero sigurado siyang hindi iyon ang panahon niya. Kahit pa ganoon, pinilit niyang umakto nang normal habang hinahanap niya ang paraan kung paano makauuwi. Nakilala niya si Marco. Estudyante sa kolehiyo. Matalino. Palabiro. At, inakala nitong sa isang paaralan sila pumapasok. Inibig niya ang lalaki sa loob ng maikling panahon. Inibig din siya nito. Nang malaman nito na mula siya sa hinaharap at kailangan niyang magpaalam, nangako itong hahanapin siya nito. At nang mga sandaling kailangan na nilang maghiwalay, niyakap siya nito nang mahigpit at hinagkan sa mga labi. "Mahal kita, pero hindi ito ang panahon nating dalawa," bulong niya sa pagitan ng malulungkot na halik bago tuluyang lumayo sa binata. Isang umaga, nang muling dumilat ang mga mata ni Lara, napansin niyang nasa mas maunlad na mundo na siya. Sa hinaharap. Sampung taon mula sa orihinal niyang panahon. At, naroon pa rin si Marco. Nakangiti sa kanya. Tila alam ang pagdating niya. Niyakap niya ang lalaki sa kabila ng pangambang kailangan niya pa ring umalis muli. Maaari naman silang maging masaya. Pero paano niya mapapanatili ang imahe ng binata sa isip niya sa oras na magbalik siya sa totoong mundo niya?
All Rights Reserved
#2
lifebooks
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • I'ts All Coming Back
  • Chasing the Wind
  • Remember Me, Remember You Neighbor!
  • Open Window (Completed)
  • Sweet Kiss
  • Puppy Love, First Love At True Love
  • How Can I Unlove You?  (FIN) (TRAMYHEARTSERIES #1)
  • Saving The Withered Rose
  • Cupid's Trick
  • My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETED

Beautiful liar By: Sa panahong nagbago na ang lahat sayo. Sa bagong yugto ng iyong buhay Paano kung muling magtagpo ang inyong mga landas. Ano ang gagawin. Ang dating panget ngayon ay gumanda na Ang dating nilalait ngayon kinagigiliwan na ng ibang tao. Ang dati kong ginugusto, ngayon hindi mo na gusto Ang dating walang paki-alam sayo biglang magkaroon ng pakialam sayo. Ang dating hinahayaan ngayon iiingatan na. Pano kung ikaw at ang lahat sayo ay nagbago kasabay non ay magustuhan ka na ng taong dating hindi ka pinapansin. Ano ang gagawin mo? Pano kung sa muli niyong pagkikita ikaw naman ang kukulitin niya............para lang mapansin mo sya. Muli ka kayang susugal? Muli kayang manunumbalik ang pag ibig?Pano na ang pusong nasaktan? Maniniwala ka ba uli?Pano kung hindi pa rin pala pwede. Pano kung this time ikaw naman ang ipaglaban niya. Maniniwala ka pa kaya. Pano kung mahal ka na niya pero yung puso mo ay nagsasabing hindi mo na sya mahal? Paano kung masaya ka na sa pag-iisa? Masaya ka ng ikaw lang?Papasukin mo ba sya uli sa buhay mo?. Paano mo haharapin ang taong minsan ka ng sinaktan?

More details
WpActionLinkContent Guidelines