"Anong sikreto ng probinsyang ito?" sabi ko sa aking sarili. Ako si Layla na bagong salta dito sa aming probinsya. Labis akong nagtataka dahil sa tuwing lalabas ako ng bahay at makikita ako ng mga tao ay umiilag sila at hindi ko maintindihan ang mga tingin nila na parang nagaalala o natatakot. Bakit? bakit sa probinsyang ito na akala ko ay masaya kabaliktaran ang nangyayari. "kailangan kong alamin ang hiwaga ng probinsya."