The universe works in puzzling ways, we truly don't know and understand its whims.
One moment, euphoria. The next, it's all sufferings.
In my case, it was happiness then death.
Literal death.
Ang masaklap pa parang hindi yata langit o impyerno ang napuntahan ko after death. I got transported into the FREAKING PAST!
And not even in other countries so I get to see something new! Nooooo, someone up there had the great idea to send me back to the past of the Philippines.
Ngayon napapalibutan na ako ng mga taong patay, in the sense na alam ko na mamamatay sila.
Don't get attached? Easier said than done.
Talagang may hinanakit sa akin ang tadhana eh. Sa lahat pa ng makakasalamuha at maituturing na pamilya dito sa nakaraan, bakit yung may taning na ang buhay?
A father-figure and a lover. Both with their clocks ticking towards the inevitable end.
Disclaimer: The events here are from historical figure's lives and from the movies: heneral luna & goyo: ang batang heneral which DO NOT BELONG TO ME.
[TAGLISH]
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay?
***
Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan?
Cover Design by Louise De Ramos