Sa mundong ito lahat ng bagay ay walang katiyakan. 'Yan ang palaging sinasabi ni Thalia sa sarili niya simula pa noong nalaman niya ang tinatagong lihim ng magulang niya. Para sa kaniya, mas nanaisin niyang mamuhay na lamang mag-isa hindi katulad sa nangyari sa magulang niya. Kung nanaisin niyang mabuhay muli, hinihiling niya na sana ang mga bagay-bagay sa mundong iyon ay may katiyakan na. Hindi na siya naniniwalang may darating sa buhay niya na bibigyan siya ng assurance sa mundong kanilang ginagalawan. Kung may dumating man, sinasarado niya ang pintuan. Ayaw niyang masaktan, ayaw niyang mangyari 'yung katulad sa magulang niya. Mababago ba iyon kung may biglang dumating sa buhay niya at tangkain na pasukin at ayusin ang magulo nitong mundo? "Ang daming walang katiyakan sa mundo ngunit ikaw lang ang tiyak sa buhay ko."