Si Jade Llavina ay nakasanayang mabuhay mag-isa. Wala pa lang siyang muwang sa buhay ay wala nang tumatayong pamilya sa kaniya. Napakasaklap ng kaniyang buhay kabataan. Sa muwang na edad, natutuhan na niyang itaguyod ang sarili. Isang araw, sa hindi inaasahang sitwasyon, nakilala niya ang isang lalaki na nagngangalang Azazel Erabus. Isang manunulat ng mga Boys' Love novels na kung tatawagin ay BL. Hindi maalis ni Jade ang atensyon niya sa lalaki lalo na sa mga mata nitong napakaganda ng kulay. Ano kaya ang mangyayari kay Jade kung ang lugar kung saan siya magtatrabaho ay pagmamay-ari pala ni Azazel? Kahit anong pilit niya na iwasan ang lalaki kasi hindi siya nababagay sa mundo nito, ang tadhana na ang gumawa ng paraan para sa buhay nilang dalawa at patuloy pa rin silang pinagtatagpo.