Nagsimula sa tinatawag niyang "Proyekto Siyento: 100 araw, 100 tula" sa kaniyang blog, ang mga sanaysay sa aklat na ito ay pagmumuni at paglapit ni Louie Jon A. Sanchez sa piling-piling tulang Filipino, mula sa mga katutubong anyo, hanggang sa mga bagong panananalinghaga ng ating panahon. Dito niya kinakasangkapan ang kaniyang pamamaraan ng lapit at pagtuturo ng tula sa aklat na "Bukal ng Bait", at ipinamamahagi ngayon, hindi lamang ang tamis ng mga tulang pili, pati na rin ang kanilang kabuluhan sa ating kultura at kamalayan.
Rekomendado para sa mga guro at nagmamahal sa panitikan.