Si Macey ay isang babaeng matalino pero hindi marunong makaramdam sa damdamin ng iba. Natatak sa isipan niyang walang magkakagusto sa kanya kaya itinuring niyang isang himala ang pagkakagusto ng iilang lalaki sa kanya. Pero sa lahat ng lalaking nakapalibot sa kanya, isa lang ang gusto niya pero hindi niya magawang aminin sa sarili niya; si Max na matagal na niyang kaibigan. Hindi lingid sa kaalaman niyang may gusto rin pala si Max sa kanya. Matagal na panahong itinago ang damdamin ni Max para sa kay Macey pero sa maliit na paraan ay lagi niyang pinaparamdam ang pagmamahal niya kay Macey. Hindi ito napapansin ni Macey at lagi niyang iniisip na normal lang ang ginagawa ni Max dahil nga sa magbestfriends sila.