









May mga taong marunong ngumiti kahit puro sugat ang laman ng puso. May mga taong kayang magmukhang buo kahit matagal nang basag. Para kina Sarai Hermosa at Enoch Lorenzo, nagsimula ang lahat bilang isang pagkakaibigan na hindi dapat masira. Akala ni Enoch, ang pinakamahirap na parte ay ang mahalin si Sarai nang palihim. Mali siya. Dahil sa likod ng pagiging valedictorian ni Sarai at pagiging heartthrob ni Enoch ay mga lihim na kayang wasakin ang kahit sino. At habang unti-unting lumalalim ang damdamin at lumalapit ang mga aninong pilit nilang tinatakasan, mapipilitan silang tanungin ang sarili: 𝘗𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘬𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘰 𝘱𝘢 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘥 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘶𝘣𝘰𝘨 𝘯𝘢 𝘪𝘯𝘪𝘸𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘳𝘢𝘢𝘯?
More details![Why Does It Have To Be Her? [On Going]](https://img.wattpad.com/cover/295112018-256-k952826.jpg)