Tumira noon si Lolo sa Japan at puno sya ng papuri para sa mga Japones, ang kanilang kabaitan, kababaang-loob, katapatan, disiplina. Kaya nga tuwang-tuwa si Lolo nang pakatapos ko ng kolehiyo, nakamit ko ang graduate scholarship na magbibigay pagkakataon sa akin mag-aral sa Sophia University, Tokyo matapos ang isang taon lamang na paghahanda sa PCAS-UP sa Diliman.
Kaso, nahumaling ako sa pakikipag relasyon kay Ian. Lagi akong late sa klase sa Nihonggo at tuluyan ng nawalan ng gana sa pag-aaral. Nahumaling din ako sa pagbabasa ng tungkol sa Ukiyo-e.
"Ang sining at kultura ay bahagi lamang ng Japanese studies mo," sabi ni Prof. Saniel, "kailangan mo rin pag-aralan ang ekonomiya, politika, kasaysayan, batas at iba pang aspeto ng Japan."
Hangal talaga ako, ipinagpalit ang matatag na kinabukasan sa mga panandaliang kilig. Pero hindi man lang ako nakarinig ng masakit na salita mula kay Lolo at sa mga professors sa UP. At hindi na rin pinasoli sa akin ang nagastos ko na stipends.
"Sige, magbasa ka ng Ukiyo-e mo habang buhay,!" sumbat ni Lola.
-----
Ang kuwentong ito ay Fiction, kathang isip lamang ng May Akda at hindi totoong naganap. Ano mang pagkakahawig sa tunay na tao buhay man o patay, danas at lugar ay hind sinadya at nagkataon lamang. Isinulat sa malikhaing paraan upang maglahad ng pananaw sa buhay at kapulutan ng aral.
---
Cover Design:
Template mula sa Canva
Imahe mula sa
bordersofadventure.com