Ano nga ba ang mangyayari sa taong nasaktan? Sa taong nawalan? Sa taong namatayan? At sa taong nabuhay ngunit para din namang namatay? Sa isang taong tulad ni Ryne.. mayaman, maganda, matalino, talented, sikat at labis na minamahal. Ngunit sa buhay nito ay may kulang parin. Ang salitang "pag-ibig" na matagal niya nang inaasam-asam sa taong hindi na niya muling mahahawakan at makakausap. Kakayanin niya ba ang pagsubok na ito? O susuko na lamang siya? Mararamdaman niya ba ulit ang pagtibok ng kanyang puso para sa kanyang iniibig? O susuko na lamang at pakakawalan ang taong nakakulong sa pusong namanhid na ng labis? Magkakaroon ba ng panibagong pag-ibig? Mapapantayan ba nito ang dating nararamdaman ng dalaga? O mananatiling bigo ang lahat dahil sa marter nitong puso?