BABALA!
Ang mga kwento sa librong ito ay may temang hindi angkop sa mga taong mapanghusga at salot ang tingin sa mga lalaking lalaki rin ang bet, at ipinagbabawal sa mga taong sarado ang isip, p'wera na lang kung kering buksan 'yang utak mo ng can opener. Chariz! Ang librong ito ay para sa mga taong adik na adik sa BL at daig pa ang nadapuan ng ipis sa kilig sa dalawang lalaking nagmamahalan (at nagchuchukchakan, charot). Kung sawa ka na sa mga cliché na love stories na puro babae't lalaki ang bida, at nagsayang ka ng isang minuto ng buhay mo para lang basahin ang walang kakwenta-kwentang story description ng librong 'to, oh e 'di ituloy-tuloy mo na ang pag-aaksaya mo ng oras at basahin ang KINATHANG BAHAGHARI! Ito ay binubuo ng mga kwentong may halo-halong emosyon at may iba't-ibang kulay tulad ng bahaghari. Ang mga istorya rito ay may halong kaharutan at naipong sama ng loob, at sangkatutak na kilig at kabaklaan. Kaya kung gusto mo kiligin, mautot, maihi, maiyak, mauhog at magselos sa mga characters dahil buti pa sila may bebe tapos ikaw nganga, ang librong 'to ay bagay na bagay sa isang tulad mo!
Dahil ang tunay na pagmamahal,
walang pinipiliing kasarian.
Girl, boy, bakla, tomboy pa 'yan!
-Alonzo Acosta
[ Note: Ang kuwentong ito ay una kong inanunsiyo na may titulong 'POSITIVE'. ]
Synopsis:
Sa buhay ng tao, ang mga pagkakamali ay normal lamang. Ito rin ang mabisang daan upang tayo ay makakuha ng aral.
Pero paano kung ang resulta ng mga pagkakamali sa nakaraan ay madadala na natin habang-buhay?
Isang halimbawa na lamang ang nangyari kay Rex. Dahil sa pagiging mapusok at mapaglaro ay nakuha nito ang isa sa mga itinuturing na pinakamatinding sakit sa mundo. Hindi niya ito matanggap. Hindi niya alam kung paano haharapin ang bukas. Pinili na lamang niyang sumuko lalo na at tinalikuran na siya ng lahat.
Ngunit sa kalagitnaan ng pakikibaka niyang iyon, dumating naman ang isang taong handa siyang tanggapin sa kabila ng kanyang kondisyon ---- si Alexis. Ano-ano pa kaya ang magiging papel nito sa buhay ni Rex?
Sinadya ba ito o itinadhana? Pinagtagpo ba sila upang may mabuksang isipan? Nangyari rin ba ang pagkikita upang ang isang pangarap ay mabigyan ng katuparan?
Tunghayan ang isang kuwentong maaaring magmulat sa atin sa reyalidad. Alamin ang pinagdadaanan ng mga taong nabibilang sa itinuturing ng marami na nasa ibang komunidad. Kilalanin sila at bigyan ng pagkakataon na sarili nila ay maihayag.
COMPLETED: MAY 2018
PUBLISHED: AUGUST 12, 2018