Masungit, mayabang, pilosopo, walang kwentang kausap at perfectionist. 'Yan ang katangiang meron si Theo, hindi siya naniniwala sa 'true love' para sa kaniya baduy ito. Pumasok siya sa RPW or Role Play World para lang lumandi dahil nabobordo na siya sa buhay niya pero nakilala niya si Alliyah na mas kilala sa RPW bilang Kaia. Noong una para sa kaniya isa lang itong nobody or stranger pero hindi niya inakalang mahuhulog ang loob niya rito. Mabago kaya siya ni Kaia? Ano kaya ang mangyayari sa kaniya? Lalandiin niya rin lang kaya ito gaya nang ginawa niya sa mga ex-fling niya o magseseryuso na siya?