"Oo. Malandi KA! . Pumayag ka kasi patay na patay ka sakin at gusto mong mapalapit sakin! akala mo naman papatulan kita." - Mayabang na wika nito na napag palambot ng tuhod ko. Napahawak ako sa ding ding sa likuran ko para makakuha ng lakas. Yung puso ko na kanina ay binibiak lang ngayon ay durog na durog na. Gusto kong mag salita pero walang salitang lumalabas sa bibig ko kundi tahimik na hikbi. Diretso akong nakatingin dito at hinintay na bawiin ang salitang binitawan nito pero isang mapaklang ngiti lang ang nakuha ko dito na parang nasisiyahan pa syang makitang durog na durog ako. "Pumayag ako. Ka.....si ma...hal kita" - Mahinang sabi ko sapat lang para marinig nito ng malinaw. Napatigil naman ito sa pag lakad pero nag patuloy din na parang walang narinig. Kung kelan ayaw mo na, dun ka naman gugustuhin. Kung kelan pagod kana, dun ka naman pipiliing ilaban. Kung kelan wala ka ng maramdaman na pag ibig, dun ka naman iibigin. Hindi lagi nakapabor ang tadhana. Wala sa tamang tyempo ang pana ni kupido. Kaya minsan kahit anong pilit ng tao, hindi mag tagpo ang puso.