
MAGANDA, edukada, independent. Iyan ang mga katangiang maaaring magustuhan ng isang lalaki kay MARGARETTE FAYE CAYETANO, isang guro na nagkataong gay magnet. Bakit? Sa kabila kasi ng kagandahang taglay niya ay tanging mga bakla lamang ang na-aattract sa kanya. Hindi niya natatandaang may nanligaw na sa kanya na isang tunay na lalaki lalo na at madalas din naman silang umaamin sa kanya na sila ay member ng federasyon kapag may sasagutin na siya. KAHLIL ALCANTARA is a young billionaire na nagmamay-ari ng isa sa pinakasikat na mall chain sa Pilipinas, ang MILKY WAY MALL. Despite of having a handsome visual, bakla siya sa paningin ng kanyang best friend na si Faye. Hindi niya maintindihan kung bakit naging bakla ang tingin nito sa kanya gayong pinagkakaguluhan siya ng mga babae. At sa pagkakaalam niya, isa siyang tunay na lalaki. ANO kaya ang mangyayari kung sakaling malalaman ni Faye na hindi bakla ang kaibigan niyang si Kahlil? Lalayuan na ba niya ito dahil niloko siya nito? Handa ba siyang ilagay sa alanganin ang pagkakaibigan nila kung puso na nila ang mag-uusap?Seluruh Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang