Sta. Anna, Pilipinas 1900 Sa isang talon sa gitna ng gubat ay natagpuan ng isang dalagang si Milagros ang naghihinalong sundalo na si Alfonso. Dahil sa angking kabaitan ng dalaga ay dinala niya ang wala ng malay na sundalo sa kanyang bahay at umaasa siya na hindi pa huli ang lahat para sa sundalo. Pinagpapasalamat niya na humihinga parin ang sundalo pagdating niya sa kanilang bahay at ginawa niyang misyon ang gamutin ang sundalo. Ang akala naman ni Alfonso ay mamamatay na siya sa gitna ng gubat subalit may isang anghel na nagligtas sa kanya. Nagising siya sa isang hindi pamilyar na silid at napag-alaman niyang ang pangalan ng anghel na nagligtas sa kanya ay Milagros. Habang nagpapagaling si Alfonso ay hindi maiwasang mahulog ang loob niya sa dalaga dahil sa angkin nitong ganda at kabaitan. Hindi niya alam kung nahuhulog rin ba ang loob ng dalaga sa kanya kaya naman ay napagdesisyonan niyang ligawan ang dalaga kapag tuluyan na siyang naging magaling. Ngunit, sa kalagitnaan ng kanilang pagliligawan ay may dumating na mga tao na nais na ilayo si Alfonso mula kay Milagros. Ano kaya ang gagawin ng binibini at sundalo para ipagpatuloy ang kanilang pag-iibigan at magsama ng walang-hanggan?