Pano kung ang kwento ng lola mong alamat ay mag-katotoo na ni minsan ay hindi mo pinaniwalaan ang kwentong alamat na lagi nyang kinukwento sayo noong bata ka pa. Pano kung isang araw matuklasan mo ang isang mundo na ni minsan hindi mo pinaniwalaan? Pano kung magising ka na lang na totoo pala ang kwento ng lola mo hindi ka parin ba maniniwala na may iba pang mundo sa mundo na di mo pinaniniwalaan na meron ay nandoon pala ang babaeng mag-papatibok ng iyong puso makakaya mo ba itong ilaban o ito ay iyong bibitawan? Si Philip Andrew Gomez ay isang galing sa mayamang pamilya spoiled brat, gwapo, matalino, talented, habulin ng mga babae heartthrob ngunit suplado ni minsan ay hindi pa nya naranasan ang umibig kahit pa habulin ito. wala pa sayang nagiging girlfriend ang babae sa tingin nya ay wala lang.Ang alam nya lang gawin ay magpakasaya gumimik kasama ng mga barkada nya. Pano kung minsan ka na lang mag-mahal pero ang taong mahal mo ay wala sa mundo mo paano mo ipapaliwanag sa mga taong mahal mo na ang babaeng mahal mo ay na sa ibang mundo? Pano mo sasabihin at ipapaliwanag na meron mundong na inakala mong hindi totoo? Anong gagawin mo para matanggap nila ito? Handa ka bang sumugal, ipag-laban o iwanan ang mundong iyong kinagisnan o sasama ka sa'kanya sa mundo nya na nuon pa man ay hindi mo na pinaniniwalaan? Philip Andrew Gomez saksihan natin ang kakaibang kwento ng kanyang pag-ibig sa kabilang mundo at kung paano nya ito ipag-laban.