"Tinamaan ng ligaw na lintek, akala niyo ay maiisahan niyo ako?" - "Limang laro. Isa, dalawa, tatlo, apat at lima. Mabubuhay lang kayo at makalalabas sa oras na malampasan niyo ang limang larong nakahain sa inyo. Gusto ninyong makauwi ng humihinga? Gusto ninyong makasama ang pamilya nyo? Pwes! Kalimutan niyo ang pag-kakaibigan, sa loob ng building na ito lahat kayo ay magkakalaban, pwede ninyong mapatay ang kadugo, nobya o kaybigan. Pinili niyong pumasok dito, pilitin niyong makalabas sa loob ng rehas na pumapaligid sa labas ng building na ito. Maglaro kayo para manalo, inuring niyong parang sabong. Tandaan niyo, anumang suwagin sa batas na meron ang laro ay may katumbas na halaga, buhay o buhay. Ang laro na ito ay para sa lahat, patibayan ng loob.---." "Ang dami mong daldal, sybil. Umpisahan mo na."