Binigay ko lahat ng kaya ko, binigay ko lang naman lahat ng kaya kong ibigay, hangad ko lang maramdaman nya ang pagmamahal ko, pagmamahal ko na tapat at totoo para lang sa kanya. Hangad kong matupad lahat ng gusto nya, kung san sya ay doon din ako. Hangad kong mapanatili ang relasyon namin hanggang dulo, kahit hindi ko alam kung kailan dadating ang dulo na tinatawag ko. Matagal akong nangarap, nagpanggap na malakas para ipaglaban ang gusto ko, hindi lang para sa amin, kundi para sa kanya. Isang pangako na nagpatagal sa amin, isang pangako rin ba ang sisira sa amin? Gaano ba kalakas ang salitang pangako? Dapat ko pa ba itong hawakan kung ako nalang magisa, ala-ala ang sinabi mong, "ikaw lang, Pangako.".