Hindi naman inaasahan ni Summer na sa kasasabi niya ng loosen up sa nakakabatang kapatid na si Spring ay itotodo na nito at humantong sa pagiging buntis na ngayon ay nanganganib na maging dalagang ina. Bilang butihing nakakatandang kapatid ay hindi siya papayag na mauwi ang kapatid sa pagiging dalagang ina, no way and never! kaya ngayon matitikman ng August Miguel Young na yan ang kaniyang masalimoot na paghihiganti. Saktong kabababa lang niya ng kotse at diri-diritsong pumasok sa loob ng hotel at walang diritsong inakyat niya ang stage kung saan ay kasalukuyang ini-interview ang lalaki dahil launching party ito ng Young and Chen Automotive the biggest Car dealership ng bansa. And who cares? binuntis nito ang kapatid niya kaya naman sisiguraduhin niyang wala na itong career kinabukasan. Agad niyang inambahan ng malakas na upper cut ang lalaki na kinabagsak agad nito. She is not a boxer for nothing nakita niyang nanlaki ang mga mata nito sa gulat at galit at nagtatanong ang mga mata nitong napatitig sa kanya. "Who the hell-----" "Binuntis mo ang kapatid ko Mister Young kaya naman hindi ako papayag na basta ka nalang sisikatan ng araw bukas na parang walang nangyari, hindi ako natatakot sayo, sa pamilya mo at sa kayamanan ninyo" "What??? hindi kita----" "Kapag hindi mo pinanagutan ang kapatid ko Agust Miguel----" "oh... shit! that is not me, ginamit na naman ba ng kapatid ko ang pangalan ko to impregnate women? I cannot believe it... I cannot believe him, Miss hindi ako ang nakabuntis sa kapatid mo okay? Wala akong kilalang Spring, Autum o Winter. You are probably talking about September, my twin brother" "Whaaaaaat?" Bigla siyang naupos sa kanyang kinatatayuan at hindi niya napagtatanto ang lahat ng camera na nasa kanilang harapan. Paano na naman niya tatakasan ang sangkatutak na security guards na nakaabang sa buong paligid?
8 parts