I Fall In Love With You, Panget!
Hindi purket tinawag kang panget, ay ibig sabihin ay panget ka na talaga. What if, kabaligtaran pala yun. Para mas maglapit pa kayong dalawa sa isa't-isa.
Sa iisang subdivision, magkatapat ang bahay ni Samantha at Nathan. Araw-araw silang nagkakasalubong, nag-aasaran, at nagbibiruan. Ngunit sa likod ng bawat tawag ng lalaki na "Panget," may isang pusong tahimik na nasasaktan-at may isang lihim na nagmamahal.
Hindi talaga pangit ang babae. Sa katunayan, marami ang humahanga sa kanyang kagandahan. Ang "Panget" ay isang bansag na gawa-gawa lamang ng lalaking para mapalapit sa babae.
Ang hindi alam ni lalaki, matagal nang lihim na umiibig ang babae sa kanya. Bilang isang writer, daan-daang kwento na ang kanyang naisulat, pero ni isang pahina ay hindi niya magawang sabihin ang tunay niyang damdamin sa lalaking araw-araw niyang nakikita.
Samantala, si Nathan, ang photographer ay abala sa paghahanap ng pinakamagandang kuha, at Ang magandang kuha na iyon ay Ang Panget na babae na lagi yang inaasar.
DISCLAIMER
This is a work of fiction. Unless otherwise indicates, all the names, character, businesses, place, events are incidents in this story are either the product of the author's imagination or used in a fictious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.