Mommy For Hire

Mommy For Hire

  • WpView
    Reads 28,801
  • WpVote
    Votes 656
  • WpPart
    Parts 5
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeLast published Tue, Jun 25, 2019
Biglang may humatak sa kamay ko. Napalingon ako at may nakita akong isang bata nasa limang taon siguro. "Bakit baby girl?" tanong ko sa kanya. Namumugto yung mga mata n'ya, baka nawala. "Mommy!" sabay sigaw nya. Napatingin ako sa paligid ko at nahagip ko yung mata ng isang lalake, gulat at parang nagpapanik. "Mommy! I miss you!" sigaw pa ng batang babae na nakayakap sa akin at napatitig ako sa kanya. Mommy? Sino? Ako? "Wait lang baby mag-uusap lang kami ni mommy mo," sabi ng boses sa likod ko. Huh? Ano? Wait, naguguluhan ako sa nangyayari. Umiikot ako at mas natitigan ko ang lalaki kanina. Matangos na ilong, kulay brown na buhok, at higit sa lahat 'yung mata iyon. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga pares ng mata na iyon. Siya yung lalaki na nasa panaginip ko.
All Rights Reserved
#34
hired
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Nightmare to Remember
  • Love and other words (Published By Wild Writers Society 2021)
  • Opposite Attracts
  • Alter The Ending
  • Bittersweet Hearts
  • Big Bro's Best-friend (BxB) ♂♂ (tagalog)
  • BAKIT WALA AKONG BOYFRIEND!?

Nagmulat siya ng mata, una niyang nasilayan ang puting kisame. Nilibot niya ang kaniyang tingin, may nakita siyang kabitan ng swero at napakunot ang kaniyang noo. Nang may mahagip ang kaniyang mata ay agad niya itong tiningnan, isang lalaki na nakatingin sa kaniya, suplado ang hilatsa ng mukha nito. May pinindot ito sa gilid. Nagtitigan sila ng lalaking iyon at walang sinuman ang bumitaw. Ilang sandali lang ay may mga pumasok na mga kalalakihan, pakiwari niya ay doktor ang lalaking nakasuot ng puting polo shirt. Tiningnan niya ang tatlong lalaki na nakapwesto sa malapit sa lalaking nakatitig pa rin sa kaniya. Nalipat ang kaniyang mata sa lalaking isa sa pumasok. Tantya niya ay nasa edad kwarenta na ito. "How is she?" "I need some test," may mga sinabi pa ito pero hindi niya na pinakinggan. Matapang niyang sinalubong ang titig ng tatlong lalaki na nakatingin pa rin sa kaniya ngayon. Naputol ang kanilang tinginan nang tumikhim ang matandang lalaki. Napatingin siya sa doktor, hindi nalalayo ang edad nito sa tatlo. "May I know what's your name, miss?" tanong nito. Sinusubukan kong tama ba ang kanilang hinala. Napakunot ang noo niya at hindi agad nakapagsalita. Natahimik ulit ang kwarto. Lumabas ang dalawa at may pinag-usapan. Inenspekyon ulit siya ng doctor at iling at tango lang ang tanging sagot niya. Ilang oras din siyang inexamine. "She's having a temporary amnesia," siguradong saad ng doktor. Pinal na pahayag na nagdala ng kakaibang emosyon sa mga estranghero.

More details
WpActionLinkContent Guidelines