Sa Sandaling Ikaw ay Tula
5 فصول مستمرة Hindi lahat ng iniwan ay kinakalimutan.
Minsan, sila ang tula na paulit-ulit mong binibigkas, kahit wala na silang salitang binibigkas pa para sa'yo.
Isang kwento ng mga damdaming piniling itago, ng pusong tahimik na naghihintay, at ng alaala'ng akala mo'y tapos na.
Pero paano kung sa dulo ng lahat ng sakit...
ay may panibagong simula pa pala?
Hindi niya alam na sa katahimikan, may isang taong patuloy na sumusulat tungkol sa kanya."
Sa sandaling ikaw ay tula, naging damdamin ang bawat salita, naging alaala ang bawat taludtod.
Ito ay kwento ng isang pusong pilit na isinulat, kahit walang katiyakan kung mababasa pa ito ng taong pinatungkulan.
Kung minsan, ang mga tula ay hindi para sa lahat. Minsan, para lang sa isang tao.
Isang kwento ng mga salitang hindi masabi, damdaming hindi maamin, at pag-ibig na itinago sa bawat taludtod.
Sa sandaling siya ay naging tula, ako ay naging pahina ng sarili kong paglimot.